Skip to main content

Posts

Showing posts from May, 2017

SA LIKOD NG SALITANG "TANGA"

Sabi ng aking guro wala raw taong TANGA. Nagiging tanga lang daw ang isang tao kapag tamad ito. E bakit ganun? Ibinuhos ko naman ang buo kong kasipagan para mahalin s’ya. Ibinigay ko ang mga gusto n’ya pero sa bandang huli nagmukha pa rin akong tanga. Tinapon n’ya ako na parang lata. Nilamon ang kalooban ko saka tinapon nang makuha ang gusto n’ya. Ito ba ang konsepto ng walang tanga? O kulang pa talaga ang kasipagan na inialay ko nang mahalin ko s’ya kaya hindi nagtagal ang aming pagsasama?




Next BREAK NA TAYO

Go back to Title Page

ANG PAGTATAPOS

Ang pag-ibig ay parang lindol. Hindi mo alam kung kailan tatama at sino ang mga masasaktan. Minsan, ang buong akala natin, tapos na ang pagyanig. Pero kalaunan, magugulat na lang tayo na may aftershock pa pala ito. Yun ang oras na tayo ay magpapanik. Hindi natin alam kung ano pa ang mangyayari sa atin. Hindi tayo nakasisiguro kung ligtas na ba tayo sa kapahamakan o patuloy pa rin tayong masasaktan.
Kadalasan, kasama ng lindol ay ang paghampas ng malalaking alon sa kalupaan mula sa dagat. Maswerte tayo kung nasa mataas tayong lugar at hindi tayo maabot ng tsunami na dala ng pagyanig. Pero kung hindi tayo ganoong kaswerte dahil sa oras na umagos ang tubig ay nasa kapatagan tayo, hindi imposibleng matangay din tayo ng pag-agos. Hindi natin alam kung saan tayo dadalhin nito. Wala tayong ideya kung mabubuhay pa tayo pagkatapos ng dilubyo. Pero isa lang ang siguradong sasapitin natin, masasaktan at masasaktan tayo. Ang kilos natin ang magdidikta kung maisasalba pa natin ang ating sarili at…

KABANATA 9

Sum, The reason you know, the reason I have told you, hindi naman yun ang issue e. The whole month of April, ang akala ko kasama ako ng aking Tita na pupunta sa malayong lugar. Sa lugar na hindi kita makikita. Ang hirap hirap. So, I had to find way para mapadali lang ang sitwasyon natin and I don’t know kung tama yung ginawa ko. Humanap na lang ako ng paraan para mailayo ang mga sarili natin sa isa’t-isa. Sinabi ko na meron na akong iba. Sinabi ko na naiirita ako sa’yo para lumayo ka na sa akin. Then, that’s it. I asked for a space to let you realize na hindi lang ako ang mundo mo. To show you na maraming better. That you can be happier than being with me. Para hindi na maging mahirap sa atin kung kailangan ko talagang umalis. And of course, to save myself from pain too. Akala ko ganun lang kadali, but I found it so hard stopping myself from texting you pero kelangan. I have missed you so much! All of those times, wala akong ibang maisip aside from the idea na pinipigilan ko itong sarili …

KABANATA 8

May mga taong dumadating sa buhay natin. Meron din yung mga umaalis. Sa tuwing naririnig ko ang salitang “Goodbye”, palagi kong hinahanap kung nasaan ang kabutihan sa salitang iyon. Saan ko ba matatagpuan ang mabuting bagay sa tuwing may taong nagpapaalam? Meron bang mabuti sa kalungkutang dulot ng paalam? Kung meron man, sana ito ay aking maramdaman. Isang linggo ang nakalipas matapos ang mga kababalaghang nangyari sa akin. Nang makilala ko ang babae na galing sa ibang daigdig at nang umalis din ito matapos kong maramdaman ang kasiyahan sa piling niya. Totoo nga ba na may pangalawang daigdig? Pangatlo? Pang-apat? O ilan man ayon sa sinabi ni Gabby? O rason nya lang iyon para hindi ko na sya habulin pa? Paano ko ipapaliwanag yung katotohanan na walang Gabby sa  bahay na aking pinuntahan na kung saan niya ako inanyayahan? O baka naman ako ay kanyang tinataguan lamang? Bakit naman niya iyon gagawin? Isa pa, ilang ulit din akong nagpabalik-balik sa bahay na iyon, pero wala talaga akon…

KABANATA 7

Sum, Paumanhin kung hindi man ako nakapagpaalam sa iyo ng personal. Ito ay sa ikabubuti na rin nating dalawa. Marahil sa oras na mabasa mo ito, gulong gulo ka sa mga nangyayari. Kung sino nga ba talaga ako. Kung bakit iba na ang nakatira sa bahay na pinagdalhan ko sa iyo. At kung bakit hindi na ako nagpakita sa’yo bago ako bumalik sa mundong aking kinabibilangan. Lingid sa kaalaman ng mga ordinaryong tao katulad mo, hindi lang ang inyong daigdig ang nag-iisang mundo sa kalawakan, kundi napakarami. Sa bawat daigdig na ito, meron tayong isang katauhan na nabubuhay. Sa aking daigdig at sa iba pa, naroon ka at naroon din ako. Nabubuhay sa ibang katauhan. Marahil ikaw ay simpleng estudyante sa isa. O di kaya naman isang matagumpay na manunulat. Isang siyentesta. Isang artista. O di kaya naman isang pulubi sa tabi. Dito sa inyong daigdig na kung saan ako nagpunta at nakilala ka, meron pang isang Gabby na nabubuhay sa isang katauhan. Kaya nang ako ay magpunta riyan sa inyong mundo, naging dalaw…

KABANATA 6

Totoo nga bang may iba pang mundo maliban sa daigdig na ginagalawan natin? Multiverse? Ano ang depinisyon ng salitang ito? Noon ko lang narinig ang salitang iyon. Ano ang ibig ipahiwatig ni Gabby sa mga pangungusap na kanyang ibinahagi sa akin?
“Maliban sa mundong ito, meron pang ibang mundo. Pero hindi iyon tulad ng iniisip mo na mundo ng mga engkanto. Mundo rin iyon ng tao. Nandoon ka rin. Nandoon rin ang EX mo.Nandoon rin ang nanay mo. Ang iyong tatay, mga kapatid, kaklase, guro.”
Sa mundo niya naroon din ako, ang aking EX at pati na rin ang mahal ko sa buhay. Maging ang aking mga kaklase at guro. Ano ang ibig sabihin ni Gabby sa mga salitang iyon? Ang mga ito ba ay isang idyoma? Kung ganoon nga, imposible ko nang maintindihan pa ang nais niyang sabihin.
“Maliban sa mundong ito, meron pang ibang mundo.”
Anong mundo ang kanyang tinutukoy? Inalis na niya sa pamimilian ang kinaroroonan ng mga engkanto at binanggit nya na ang mundo iyon ay isa ring lugar kung saan namumuhay ang mga tao. …

KABANATA 5

“Ako lang ang KJ! Huwag mong agawin ang aking titulo!” banggit ng dalagang namimilit sa isang binatang ayaw sumama sa kanyang balak na umakyat ng bundok. “May hika ako. Bawal akong mapagod.” Palusot ko. “Hika?” “Oo.” “Siguro kaya ka iniwan ng Ex mo dahil sinungaling ka.” “Hindi. Totoo ang sinabi ko.” “Kung totoo yan, bakit ka naglaro ng soccer noong isang linggo? Yun ba ang nilalaro ng mga may hika?” Sa ebidensyang binanggit ni Gabby, nataranta ang aking isipan kung ano ang sunod kong idadahilan. Ayoko talagang umakyat ng bundok. Minsan lang ako umakyat at sa minsang iyon, ipinangako ko sa aking sarili na hindi ko na uulitin ang ganoong karanasan. Ang dahilan? Hindi ako makababa dahil sa pangangatog ng aking tuhod sa tuwing nakikita ko ang mga tanawin sa ibaba. Nakakalulala. Kung ang tanong nyo ay kung paano ako nakarating sa paanan ng bundok na aming inakyat, yun ay dahil nagkunwari akong hinimatay habang naglalakad pababa. Ang buong akala ng aking mga kasama, pagod lang ako. Kaya …

KABANATA 4

Kalayaan. Yan ang salitang ipinaglaban ng ating mga ninuno sa higit na tatlong siglo sa kamay ng mga Kastila at ilang dekada naman laban sa mga Hapones at mga Amerikano. Hindi man ako nabuhay sa mga panahong nakagapos ang ating bansa sa bakal na kadena ng mga banyaga, ramdam ko ang hirap ng nalilimitahan ang bawat kilos at galaw. Dama ko rin ang sakit dahil sa pakiramdam ng hindi makausad sa aking pupuntahan dahil sa higpit ng pagkakatali ko sa nakaraan. Sa bawat hakbang na aking ibinibitaw, katumbas nito ang lalong paghigpit ng tali sa aking leeg na siyang nagpapahirap sa aking buhay. Kailan ko ba muling mararamdaman ang pagluwag o ang tuluyang pagkatanggal ng lubid sa leeg ko? Yung tipong wala nang pumipigil sa bawat kilos ko o sa bawat  tapak ko. Yung tipong hindi ko na iniisip na may hihila sa akin pabalik sa aking pinanggalingan sa tuwing maaabot ko ang hangganan ng tali na nakapalibot sa aking leeg. Nakalimutan ko na rin ang pakiramdam ng malaya kong nagagawa ang aking gusto. …

KABANATA 3

Denial is a primitive defense mechanism that negates all existing reality to reduce the stress.  – Dan Brown.
Palagi nating nasasabi ang katagang “tanggapin ang katotohanan.”  Ang tanong, “Kasi dali lang ba ito ng pagbibilang?”  Hindi.  Hindi naman ito tulad ng sweldo mo sa trabaho na ang sarap tanggapin. Lalo na kung may mga bagay na humahadlang sayo para tanggapin ang kasulukuyang kabiguan. Isang linggo ang nakalipas nang sabihin ko sa aking sarili na mag-move on. Pinilit ko siyang inalis sa aking isipan sa tulong ng mga librong tulad ng 1001 Shocking Science Facts, 1227 QI Facts To Blow Your Socks Off, The Book of General Ignorance at Uncle John’s Bathroom Reader Extraordinary Book of Facts. At imbes na sumakit ang aking puso sa kakaisip kay EX-G, tumaba ang mga laman ng utak ko. Ang mga librong iyon ang nang-enganyo sa aking piliin ang Science para maging major subject ko sa susunod na pasukan. Nanabik akong pumasok sa eskwela. Nanabik akong ibahagi ang mga kaalamang aking nalaman…