Skip to main content

Break Na Tayo


Bakit napakadaling bitawan para sa iba ang katagang "break na tayo? "
Ito ay dahil, una, patapon ka lang para sa kanya. Pangalawa, desperado na syang iwan ka at ipagpalit sa iba. Pangatlo, para sa kanya, ang pagmamahalan nyo ay isa lamang laro.

Comments

Popular posts from this blog

DALAWANG DAHILAN KUNG BAKIT KA NASAKTAN NANG IKA’Y IWAN (KATOTOHANANG KAILANGANG ISAMPAL)

Marahil ikaw pa rin ay nagtatanong kung bakit ka nasaktan nang ikaw ay hiwalayan ng iyong kasintahan. Sigurado ako alam mo na rin ang kasagutan sa katanungang iyan. Ayaw mo lang tanggapin ang katotohanan na ikaw ay iniwanan. (Denial ka pa kasi.)
Kaya hanggang ngayon, ikaw pa rin ay luhaan. Tapos nagtataka ka kung bakit sa tuwing titingin ka sa salamin ay nakikita mo ang mukha mo na parang nasabugan? (Huwag mo kaming sisihin.)
Para tulungan kang yakapin ang reyalidad na wala na siya, ipapaalala ko ulit sa’yo (baka nakalimutan mo na kasi) kung bakit ka nasaktan. Baka sakaling ikaw ay matauhan.
Unang dahilan: NILOKO KA!
Oo! Tama ang nabasa mo! Niloko ka! Na-scam ka ng pag-ibig. Pinangakuan ka ng wagas at romantikong pagsasama. Nahulog ka sa patibong ng nakakakilig niyang mga salita. Nadala ka sa matamis na “Mahal kita.” Pero nang may nabiktima na s’yang iba, iniwanan sa’yo ang mapait na “Ayaw na kita.” Kaya sa bandang huli, para kang pulubi. Nanlilimos ng pag-ibig na katiting sa tabi-ta…

KABANATA 1

Breakup.
Ano ang susunod sa breakup?
Maaring breakdown.
Breakdown ng pag-iisip. Susundan ng depression na syang magdadala sa iyong final destination. O di kaya naman maaring mauwi sa “forgetting without total forgiveness (yet)”. Saka pupunta sa stage of reality acceptance. Pagkatapos, magsisimula na ang moving-on.
E kelan dapat mangyari ang buong pagpapatawad?
Kapag magkita at magkausap kayo ng taong nanakit sayo?
Ang tanong, “Makakaya mo ba?”
Lalo na kung nakita mo syang nakangiti, tumatawa, malambing at mukhang kontento na sa bago niyang kasama. Habang ikaw nananatiling mag-isa. Naghihintay ng taong magpapasaya sayo.
Syempre, mapipilitan kang ngumiti kapag nakasalubong mo sya. Pinapakita mo na kaya mong lunukin ang mala-ampalayang pait ng reyalidad. Mapait pero kailangang isama sa diet. Saka lang mawawala at pwede nang alisin ang pait kapag tuluyan nang naglaho yung taong naghain sayo nito. Ibig sabihin, kapag permanente nang namahinga yung taong pinagmukha kang tanga noong kayo a…