Skip to main content

KABANATA 9


Sum,
The reason you know, the reason I have told you, hindi naman yun ang issue e. The whole month of April, ang akala ko kasama ako ng aking Tita na pupunta sa malayong lugar. Sa lugar na hindi kita makikita. Ang hirap hirap. So, I had to find way para mapadali lang ang sitwasyon natin and I don’t know kung tama yung ginawa ko. Humanap na lang ako ng paraan para mailayo ang mga sarili natin sa isa’t-isa. Sinabi ko na meron na akong iba. Sinabi ko na naiirita ako sa’yo para lumayo ka na sa akin. Then, that’s it.
I asked for a space to let you realize na hindi lang ako ang mundo mo. To show you na maraming better. That you can be happier than being with me. Para hindi na maging mahirap sa atin kung kailangan ko talagang umalis. And of course, to save myself from pain too.
Akala ko ganun lang kadali, but I found it so hard stopping myself from texting you pero kelangan. I have missed you so much!
All of those times, wala akong ibang maisip aside from the idea na pinipigilan ko itong sarili ko habang siguro ikaw busy spending time with somebody or anybody na alam kong alam mo na ayoko sana. Ang hirap hirap kaso we have to. Pero eto yung alam kong tama. I don’t know and I don’t care na kung selfishness to. Let’s just end up on this. If we’re really meant to be together, wag na lang muna siguro ngayon. Let’s just wait until time tells us na hindi na complicated ang lahat. Na hindi na natin kelangang masaktan at mahirapan ng ganito. Pero kung ayaw talaga ng tadhana, I’ll be glad na lang that once in my life, I had you.
Thank you so much for everything.

Comments

Popular posts from this blog

DALAWANG DAHILAN KUNG BAKIT KA NASAKTAN NANG IKA’Y IWAN (KATOTOHANANG KAILANGANG ISAMPAL)

Marahil ikaw pa rin ay nagtatanong kung bakit ka nasaktan nang ikaw ay hiwalayan ng iyong kasintahan. Sigurado ako alam mo na rin ang kasagutan sa katanungang iyan. Ayaw mo lang tanggapin ang katotohanan na ikaw ay iniwanan. (Denial ka pa kasi.)
Kaya hanggang ngayon, ikaw pa rin ay luhaan. Tapos nagtataka ka kung bakit sa tuwing titingin ka sa salamin ay nakikita mo ang mukha mo na parang nasabugan? (Huwag mo kaming sisihin.)
Para tulungan kang yakapin ang reyalidad na wala na siya, ipapaalala ko ulit sa’yo (baka nakalimutan mo na kasi) kung bakit ka nasaktan. Baka sakaling ikaw ay matauhan.
Unang dahilan: NILOKO KA!
Oo! Tama ang nabasa mo! Niloko ka! Na-scam ka ng pag-ibig. Pinangakuan ka ng wagas at romantikong pagsasama. Nahulog ka sa patibong ng nakakakilig niyang mga salita. Nadala ka sa matamis na “Mahal kita.” Pero nang may nabiktima na s’yang iba, iniwanan sa’yo ang mapait na “Ayaw na kita.” Kaya sa bandang huli, para kang pulubi. Nanlilimos ng pag-ibig na katiting sa tabi-ta…

KABANATA 1

Breakup.
Ano ang susunod sa breakup?
Maaring breakdown.
Breakdown ng pag-iisip. Susundan ng depression na syang magdadala sa iyong final destination. O di kaya naman maaring mauwi sa “forgetting without total forgiveness (yet)”. Saka pupunta sa stage of reality acceptance. Pagkatapos, magsisimula na ang moving-on.
E kelan dapat mangyari ang buong pagpapatawad?
Kapag magkita at magkausap kayo ng taong nanakit sayo?
Ang tanong, “Makakaya mo ba?”
Lalo na kung nakita mo syang nakangiti, tumatawa, malambing at mukhang kontento na sa bago niyang kasama. Habang ikaw nananatiling mag-isa. Naghihintay ng taong magpapasaya sayo.
Syempre, mapipilitan kang ngumiti kapag nakasalubong mo sya. Pinapakita mo na kaya mong lunukin ang mala-ampalayang pait ng reyalidad. Mapait pero kailangang isama sa diet. Saka lang mawawala at pwede nang alisin ang pait kapag tuluyan nang naglaho yung taong naghain sayo nito. Ibig sabihin, kapag permanente nang namahinga yung taong pinagmukha kang tanga noong kayo a…