Skip to main content

Nang Iwanan: Isang Nobela


NOW PUBLISHED!
Like and Share!




Hindi ka naman talaga bitter. Sadyang hindi lang maalis-alis sa isipan mo ang katotohanang siya pa rin  ang tinitibok ng iyong puso. 

Natapos na ang lahat sa inyo, pero para sa’yo, iisa pa rin ang inyong mundo.

Nagiging masakit harapin ang reyalidad dahil hindi ka sanay na wala na s’ya sa piling mo. Masakit dahil hindi mo tanggap ang mga nangyayari.

Hindi mo tanggap dahil sa kabila ng pagbibigay mo ng buo mong pagmamahal, nasayang lang ang lahat.

Nasayang ang lahat dahil sa bandang huli, nalaman mong hindi pala talaga kayo para sa isa’t-isa.


Hindi kayo para sa isa’t-isa dahil yun ang nakasulat sa libro ni Tadhana. 

Librong puno ng pandaraya. 

Pandaraya na nakakasakit sa iba. 

Iba kung makapanakit. 

Pananakit na humihiwa ng dibdib. 

Dibdib na puno ng pighati. 

Pighating nakakatunaw ng ngiti. 

Ngiting ‘di naman totoo. 

‘Di totoo tulad ng taong minahal mo. 

Minahal mo na nanukli ng biro. 

Birong bumiyak ng iyong puso.  

Puso mong ngayon ay sawi. 

Sawi dahil napagtanto mo na ang pagmamahal ay hindi kasing dali ng pagbibilang ng daliri.






TALAAN NG MGA NILALAMAN














Comments

Popular posts from this blog

DALAWANG DAHILAN KUNG BAKIT KA NASAKTAN NANG IKA’Y IWAN (KATOTOHANANG KAILANGANG ISAMPAL)

Marahil ikaw pa rin ay nagtatanong kung bakit ka nasaktan nang ikaw ay hiwalayan ng iyong kasintahan. Sigurado ako alam mo na rin ang kasagutan sa katanungang iyan. Ayaw mo lang tanggapin ang katotohanan na ikaw ay iniwanan. (Denial ka pa kasi.)
Kaya hanggang ngayon, ikaw pa rin ay luhaan. Tapos nagtataka ka kung bakit sa tuwing titingin ka sa salamin ay nakikita mo ang mukha mo na parang nasabugan? (Huwag mo kaming sisihin.)
Para tulungan kang yakapin ang reyalidad na wala na siya, ipapaalala ko ulit sa’yo (baka nakalimutan mo na kasi) kung bakit ka nasaktan. Baka sakaling ikaw ay matauhan.
Unang dahilan: NILOKO KA!
Oo! Tama ang nabasa mo! Niloko ka! Na-scam ka ng pag-ibig. Pinangakuan ka ng wagas at romantikong pagsasama. Nahulog ka sa patibong ng nakakakilig niyang mga salita. Nadala ka sa matamis na “Mahal kita.” Pero nang may nabiktima na s’yang iba, iniwanan sa’yo ang mapait na “Ayaw na kita.” Kaya sa bandang huli, para kang pulubi. Nanlilimos ng pag-ibig na katiting sa tabi-ta…

KABANATA 1

Breakup.
Ano ang susunod sa breakup?
Maaring breakdown.
Breakdown ng pag-iisip. Susundan ng depression na syang magdadala sa iyong final destination. O di kaya naman maaring mauwi sa “forgetting without total forgiveness (yet)”. Saka pupunta sa stage of reality acceptance. Pagkatapos, magsisimula na ang moving-on.
E kelan dapat mangyari ang buong pagpapatawad?
Kapag magkita at magkausap kayo ng taong nanakit sayo?
Ang tanong, “Makakaya mo ba?”
Lalo na kung nakita mo syang nakangiti, tumatawa, malambing at mukhang kontento na sa bago niyang kasama. Habang ikaw nananatiling mag-isa. Naghihintay ng taong magpapasaya sayo.
Syempre, mapipilitan kang ngumiti kapag nakasalubong mo sya. Pinapakita mo na kaya mong lunukin ang mala-ampalayang pait ng reyalidad. Mapait pero kailangang isama sa diet. Saka lang mawawala at pwede nang alisin ang pait kapag tuluyan nang naglaho yung taong naghain sayo nito. Ibig sabihin, kapag permanente nang namahinga yung taong pinagmukha kang tanga noong kayo a…